This POP! Creators entry was submitted by Michael H. Leoncio.
He told POP! that this poem was dedicated to all the heroes and frontliners of the COVID-19 pandemic.
Pagsubok
May mga pangyayari sa ating buhay na hindi maiiwasan,
Katulad ng paglubog nang Haring Araw galing kanluran
At habang ang takip-silim ay patuloy na nagbabdya
Huawag panghinaan ng loob magniningning parin ang mga tala.
Dumilim man ang langit,tinakpan man ng ulap ang buwan
Darating pa rin ang umaga liliwanag din ang kalangitan.
Katulad ng buhay nang tao na maraming pagsubok
Subalit patuloy pa rin sa paglakbay parang ilog na umaagos
Maraming beses man nadapa,nasaktan at pilit na bumabangon
Huwag mag-alala lilipas din yan sa tamang panahon
Ang ating buhay ay may akibat na ginhawa at hirap
Katulad ng liwanag na may aninong sumusulyap
At sa muling pagsibol ng araw sa gawing silangan
Ihakbang mo ang iyong paa at patuloy na lumaban
Kahit anumang unos nang buhay ay kaya mong harapin
Basta manalig ka lang sa diyos at tatagan mo ang iyong damdamin.
POP! Creators/ Michael H. Leoncio
_____
If you’re interested in sharing your artworks, poems, short stories, or articles with us on #POPCreators, you may send them in via email at [email protected] with the subject ‘POP! Creators contribution’. If our editorial team likes your work, then it may be featured in our POP! Creators section.