This #POPKids entry was submitted by Genevieve S. Aguinaldo, who wanted to share the poem written by her daughter, Elisha Lilith Aguinaldo. Elisha wrote the poem “Lola Auntie” to cope with her sorrow and give honor to her grandmother who recently passed away.
Here’s a poem penned by an 11-year-old girl from Los Baños, Laguna:
Lola Auntie
Ni Elisha Lilith S. Aguinaldo
Tuwing umaga, naaalala kita
Sa mga bulaklak na kulay rosas
Sa mga panyong may mga dasal
Sa isang suklay na mahaba at kulay dilaw
Sa pagtatahi
Sa paglalakad papunta sa palengke
Sa mga kantang masasaya ang mensahe at tono
Sa tsinelas na bagong bili galing sa tindahan
Sa umagang maaliwalas
Sa mga pulseras na pangregalo
Sa ating mga kuwentuhan kapag malapit na ako matulog
Sa bagong lutong lugaw
Sa champoradong malapot na inyong niluluto
Sa katas ng kalamansi
Sa inyong mahahabang tawa
Sa Sky Flakes na nasa naaalala ko sa inyong bahay
Sa pagsasayaw at pagpalakpak kapag may musika
Sa sinag ng araw
Sa mirasol
Sa isip ko, ika’y natutulog lamang
Aside from writing poetry, Elisha also enjoys watercolor painting, writing fantasy stories, reading, and drawing. She also created a drawing of her grandmother.
POP! Kids/Genevieve S. Aguinaldo/Elisha Lilith Aguinaldo
___________
If you’re interested in sharing your child’s artworks, poems, short stories, or articles with us on #POPKids, you may send them in via email at [email protected] with the subject ‘POP! Kids contribution’. If our editorial team likes their work, then it may be featured in our POP! Kids section.
Children aged 4 to 12 years old may also submit their works directly to POP! via email but they must have their parents or guardian sign the consent form.