Ang Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN-PNU) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila ay magsasagawa ng isang PAMBANSANG SEMINAR PARA SA MGA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO (ANTAS DI-GRADWADO) na may temang “BINHI 2017: Pambansang Seminar sa Pagtuturo at Pagkatuto ng ika-21 Siglong Kaalaman at Kasanayan sa Filipino Tungo sa Mabungang Pagkatuto” sa ika-28 ng Oktubre, 2017 sa ganap na ika-8 n.u hanggang ika-5 n.h sa Bulwagang Geronima T. Pecson, Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila.
Nasasabik ka na ba? Kami, sabik na sabik na!
Kaunti na lang ang natitirang slots, huwag magpahuli! Huwag palampasin ang pagkakataon na pagyamanin ang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng/sa Filipino!
Takits!
Pasasalamat sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), INQUIRER.NET, InqPOP at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).
#BINHI2017
#ImbangGuro