‘Ang Musa Kung Hatinggabi’: A flash fiction about sustaining ‘personal relations’

The following #POPCreators entry was submitted by Marren Araña Adan.

Together with his colleagues Kristian Dalao and Jeba Angeles, they made a collaborative project during the quarantine period that discusses the “necessity to sustain personal relations while providing some ounce of relief to others through creative engagements.”

Here is their flash fiction entitled Ang Musa Kung Hatinggabi (with audio track: “Talahimay”):

Ang Musa Kung Hatinggabi

Tuwing hindi makakatulog agad sa gabi, naaabutan ko ang marahan na paglapag ng Katahimikan—isang walang ingay na telon na nagkukumot sa buong sansinukob ng itim. Sa parehong pagkakataon, nabubunyag ang isang Kagubatan sa aking loob. Nagsasangasanga ang hindi mawaring mga pananabik habang sa bawat dulo ay may mga bunga, mga kumpol ng ingay na walang tunog. Sa parehong panahon, isa-isa ring dumarapo sa bawat hapunán ang kalituhan. Magsisimula silang magpatukatuka sa maninipis at hapáy na mga pilas ng aking katinuan. 

Gusto kong malaman mo na iba ang ginawa ko sa gabing ito. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga at hindi sundin ang gáwing maghintay muli sa pagsikat ng araw. Naglakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang mapuno na ng tubig mula sa gripo, bahagya pang kumikinang ang babasaging baso at ang laman nitong tubig. Nilagok ko ang isang baso ng mga alon upang lunurin kung ano man ang mga nasa loob.

Paglakad ko pabalik sa kuwarto, bigla akong parang tinubuan ng mga ugat na bumabaon sa aking nilalakaran. Nakita ko ang katawan kong naroon pa rin sa higaan at mahimbing na natutulog. Madilim ang buong kwarto pero malinaw kong nakikita ang sarili kong mukha. May palamuti itong maskara ng payapa at hinahon. Hindi nagtagal ay bigla akong nilingon nito. Nakapikit pa rin ang mga mata nito pero nagsimula namang ngumiti ang mga labi. Marahan ang pag-unat ng mga labi at hindi humihinto na wari’y pupunitin ang bibig mula sa magkabilang dulo ng mga tainga. Sabay sa pagpikit ko ay siya namang pagdilat ko sa katawang nakahiga sa kama. Walang akong nakitang kung ano o sino man na nakatayo sa aking harapan. 

Sa pagkakahiga, naramdaman kong basang-basa na ang aking bibig. Tumutulo na rin ang malalapot na takot mula bibig hanggang sa bahaging dibdib.

“Talahimay” (Excursions in Ugong vs. Kristian Dalao)

A mash-up of Excursions in Ugong’s “Hinay Himay” (Drum Machine Elegies EP) and Kristian Dalao’s “Isang Malawak na Talahiban Daw ang Ortigas Noon” (Ortigas Excursions EP aka OEx)

Listen to or download the track for free on Soundcloud: https://soundcloud.com/smogada-records/talahimay-excursions-in-ugong-vs-kristian-dalao

POP! Creators/Marren Araña Adan/Kristian Dalao/Jeba Angeles

________

If you’re interested in sharing your artworks, poems, short stories, or articles with us on #POPCreators, you may send them in via email at pop@inquirer.net with the subject ‘POP! Creators contribution’. If our editorial team likes your work, then it may be featured in our POP! Creators section.

For more details, read the POP! Creators FAQ page.

Read more...