A poem for those who have lost their loved ones from the coronavirus

This #POPCreators entry was submitted by Clarisse Demata. 

Limang Minuto
Limang minuto lang ang kailangan ko
Para makita ka kahit ilang segundo
Para marinig ang iyong boses,ang iyong tawa
Para makita ang mga ngiting di nakakasawa

Limang minuto lang sana
Para mahawakan at mahagkan
Ilapat sa mukha ko ang kamay mong kay gaan
Walang minutong sasayangin
Wag ka lang mawala sa aking piling

Limang minuto nalang sige na
Nagmamaka awa na mga minuto ay bumagal
Para sabihin kung gaano kita kamahal
Bago bumalik sa normal na buhay
At tanggapin na kapiling ka na ng maykapal

Limang minuto nalang pagbigyan mo na!

POP! Creators/ Clarisse Demata

If you’re interested in sharing your artworks, poems, short stories, or articles with us on #POPCreators, you may send them in via email at pop@inquirer.net with the subject ‘POP! Creators contribution’. If our editorial team likes your work, then it may be featured in our POP! Creators section.

For more details, read the POP! Creators FAQ page.

Read more...